Mutya Datul Truly Binibini.. Her Post Coronation Celebration, Photos and Happiness :)

Finally, Mutya is now a BINIBINI! 

Mutya with other winners..

Mutya with other winners..

As the saying goes “When God closes a door he always opens a window”! Ganyan ang nangyari kay Mutya.. Hindi man sya pinalad sa Mutya ng Pilipinas, big winner naman sya sa Binibining Pilipinas!  

Dyosa!

Dyosa! Sino ang magsasabing laki sa hirap si Mutya..?

 

Ako ang unang nagpictorial kay Mutya nung sumali siya sa Mutya ng Pilipinas last year, kaya naman nasundan ko ang kanyang kwento. Mula siya sa isang ordinaryong pamilya sa Isabela, nagsumikap para sa kanyang pamilya. Dahil sa laking probinsya, ang paghuli ng salagubang ay isa sa nakakatuwang kwento na narinig ko mula sa mga taong tumutulong sa kanya. Kaya naman nung kinuha akong photographer ng kanyang mentor, go agad! Kamukha nya si Sam Pinto nung kinunan ko sya..  Kakaiba na ang kanyang ganda nuon pero mas naaging kaakit akit sya ngayon.. Sino ang mag aakalang ang sang tulad niya ay laki sa hirap.. (More about Mutya HERE)

Mutya before photo session.. reviewing Bb. Pilipinas Souvenir program to check what pose is best for her..

Mutya before photo session.. reviewing Bb. Pilipinas Souvenir program to check what pose is best for her..

Sabi nya, ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang pamilya.. Sa ngayon siya ang pinaka aasahan ng kanyang pamilya na magaahon sa kanila sa hirap.. Inspirasyon ang kwento ni Mutya.. Hindi madali ang kanyang ginawa. Alam natin na marami ang nagmamahal sa kanya pero marami rin ang walang pakundangan kung ibash sya.

Simpleng bahay.. Simpleng bata..

Simpleng bahay.. Simpleng bata..

 

JS Prom.. Gold na Gold na agad ang costume!

JS Prom.. Gold na Gold na agad ang costume!

 

Mutya with her  Kuya during Mutya ng Pilipinas last year..

Mutya with her Kuya during Mutya ng Pilipinas last year..

Kaya naman sa katatapos na Binibining Pilipinas, naglaan ako ng oras para sundan at balikan ang kwento ni Mutya. AS IN SUNDAN HANGGANG SA KANILA PARA MALAMAN KUNG ANU ANG PAKIRAMDAM NG BINIBINI AT ANU ANU ANG KANYANG UNANG MGA GAGAWIN..

Tama ang kasabihan na “Ang mabit na bata.. pinagpapala”! Alam ng marami na maraming hirap na pinag daanan si Mutya bago pa man siya nanalo, marami ang nagduda sa kanyang kakayanan.. pero pinatunayan nya na kaya niyang makipagsaayan.. her long gown presentation was the most defining moment ng gown competition..

My Mutya!

My Mutya!


Alam ng marami na baka hindi maging maganda ang performance niya sa Question and Answer dahil sa may punto ang kanyang salita at hindi bihasa sa Ingles, pero kanina, pinatunayan nya na kayang kaya nya! Direkta at may laman ang kanyang sagot, ang pagtulong para sa kawang gawa ang kanyang gustong gawin. Katangi tangi nga siya dahil bukod sa magandang saloobin, maganda rin ang kanyang ugali. Kaya naman minahal sya ng ordinaryong tao at kahit na ng ilang celebrities, nagpakita ng suporta sa kanya sina Ruffa Gutierrez at maging si Sandra Seifert sa kanilang mga public posts sa social networking.

Ruffa for Mutya

Ruffa for Mutya

Nakakatuwa na may mga taong tunay na nagmamahal sa kanya kahit hindi niya kadugo, noong Q and A na, may nakikita akong nagtatakip ng tenga para hindi marining ang sagot ni Mutya dahil siguro ayaw nilang marinig ang pagkakamali ni Mutya, maging ang isa sa kanyang mentors ay lumabas ng coliseum at nagdasal para mairaos ni Mutya ang Question and Answer..

English ang tanong kaya medyo kabado ang lahat! At Mukhang foreigner pa ang judge, ambassador pa,  naku mapapasubo si Mutya dito. For sure hindi nito tatagalugin ang tanong! Super English nga si ambassador,  pero ang nakakatuwa, mas naintindihan pa namin ang sagot ni Mutya kesa sa nagtanong na judge. Kinabog ni Mutya ang Judge! Grabeee!

 

Maning mani ang Advocay kay Mutya! Kinabog nya pa ang judge sa pag ingles!

Maning mani ang Advocacy kay Mutya! Kinabog nya pa ang judge sa pag ingles!

Hindi man pang quizbee ang sagot niya pero nalagpasan nya ang expectations ng tao sa kanya, at take note, hindi sya nagtagalog. PURE ENGLISH ANG SAGOT NYA. Maning mani ang advocacy kay Mutya. Plus sincere ang kanyang pagkakasagot..

Akala ng marami puro malulungkot na alng ang kwento kay Mutya.. pero nais o lang i share ang ilang mga nakakatuwang kwento sa kanya.. FEELING KO ME MELANIE MARQUEZ VIBES SYA.. Here are some funny stories about our Mutya..

SCENE I – MOCK Q and A.. BEFORE FINALS NIGHT

Question – What is your favorite or most important time of the day and why?

Mutya: For me.. tomorrow because of the coronation night..! Galing diba…

Sinabihan dwa sya ni Krisma #50 ( her BFF) na medyo iba ata ang atake nya sa Q and A.. ang tanong is about time of the day.. not important date..

Naiiyak na naman daw si Mutya.. ang sabi nya.. “na dodown na naman ako.. 😦 “

 

SCENE II – WATCHING MOVIES

Sinama si Mutya na manood ng sine ilang araw bago ang finals ng Binibini.. tuwang tuwa naman daw sya dahil first time nyang nakapanood ng sine dito sa  Manila. At pag uwi ang kwento nya.. tito ang ingay ingay sa sinehan.. ang lakas lakas ng sound.. at ang laki laki ng screen!  At alam nyo ba kung ano ang pinanoodd nila?? LINCOLN lang naman.. hahaha..

Kaya naman daw ang sabi ng Binibini after nyang manalo.. bigyan si Mutya ng gatepass sa mga sinehan.. at dalhin sa lahat ng klase ng restaurant at ipatikim ang lahat ng para sa isang Binibini…di ba winner talaga.

 

SCENE III – MOCK Q AND A WITH HER MENTORS (Kasama si Krisma that time)

Question – In case nanalo ka at ipadala sa Miss Universe at inoferan ka ni Donald Trump ng “one night stand papayag ka ba”

Krisma: Ai hindi po tito!

Mutya: Depende po..!

Mentor: Ha? Kaloka? Panung depende?

Mutya: Eh hindi po ba tatayo ka lang naman sa bar nun ng isang gabi?

Mentor: Hindi alam kung matatawa o mag kokolaps…

 

SCENE IV – AFTER THE CONTEST

Friend ni Mutya – Alam mo ba na sosyal ang venue ng pageant mo? Kung ang iba sa China at Japan lang.. ikaw sa BELARUS!

Mutya: Saan po ba yun?? Hahaha

Friend ni Mutya – Me passport ka na ba?

Mutya: Ha? Anu ba yun?

Mentor” Hindi mo alam yun???

Mutya: Joke lang haha.. alam ko syempre! BPCI na daw po mag aayos.

Oh diba lebel up na ang pagsagot ng Mutya natin!

 

SCENE V – AFTER THE CONTEST

Mentor – Mutya ang galing galing mo! Maning mani ang advocacy sayo, kinaabog mo pa ang judge sa pag ingles..! Teka anu ba ang advocacy?

Mutya: Advocacy po ay kung anu ang gusto mong gawin o hangarin..

Mga nakapaligid kay Mutya: PALAKPAKAN LAHAT.. galing galing..

Kaya naman mahal na mahal si Mutya ng nakakilala sa kanya.. Go lang ng Go! NO PRETENSIONS..

KAYA NAMAN TALAGANG NAPAGHANDAAN NG MGA MENTORS NI MUTYA ANG CRUCIAL MOMENT NI MUTYA SA STAGE..

Magaling ang mga tumutulong kay Mutya dahil naturuan sya ng mabuti at naihanda bago sumalang sa stage. Plus meron talaga siyang determinasyon na manalo para sa kanyang pamilya. Nangangailangan ng isang milyon ang kanyang ina para sa malubhang sakit. Hopefully ito na ang simula ng kanyang magandang buhay.

To die for body!

To die for body!

 

Anyways narito ang ilang larawan ni Mutya matapos niyang manalo.. Sobrang saya nya talaga dahil me napatunayan na sya na kaya nya.. ang sabi nya.. hindi na sya na dodown masyado ngayon. Alam nyang kaya nya! And she promised na she will make our country proud sa BELARUS!

 

Kwentuhan muna about sa coronation night while waiting for Mutya.. Krisma gave us the insight about her experience at kung papaano umiyak si Mutya.. :)

Kwentuhan muna about sa coronation night while waiting for Mutya.. Krisma gave us the insight about her experience at kung papaano umiyak si Mutya.. 🙂

 

Super Pagod si Mutya after coronation.. she tried to relax her feet muna.. pero walang kupas ang pag kwento about her Binibini stint..

Super Pagod si Mutya after coronation.. she tried to relax her feet muna.. pero walang kupas ang pag kwento about her Binibini stint..

 

 

She prayed muna dahil sa  success nya...

She prayed muna dahil sa success nya…

 

After nyang magpasalamat sa panginoon, todo kwento na ang Mutya about her experience.. masayang masaya daw sya dahil may napatunayan na sya.. at pinasalamatan nya lahat ng mga tumulong sa kanya.. Good thing with her is napakahumble pa rin..

Kwento ng kwento habang nagpapahinga..

Kwento ng kwento habang nagpapahinga..

 

 

Super kwento pa rin kahit hindi pa kumakain..

Super kwento pa rin kahit hindi pa kumakain.. at nagtanggal na ng heels..

 

ETO PA ANG NAKAKATUWA SA KANYA! At dahil celebrity na at titulada na, marami ang nagpapirma ng autograph sa kanya including me.. excited naman sya pumirma.. pero ang sabi nya, hindi pa rin daw talaga siya makapaniwala na pipirma na sya ng autograph..! Tiningnan namin ang una nyang pinirmahan.. ang nakalagay lang.. MUTYA  na all caps! Hagalpakan ng tawa ang lahat…

Natatawa sya sa first autograph nya.. comedy.. sinulatan nya lang kase ng pangalan nya.. hahaha

Natatawa sya sa first autograph nya.. comedy.. sinulatan nya lang kase ng pangalan nya.. hahaha

“Ang sabi pa ni Mutya, sabi nyo kasi pirma eh.. hahaha.. at kinakabahan ako sobra..”

Nagrereklamo na si Mutya dahil tinatawanan namin sya.. hehe

Nagrereklamo na si Mutya dahil tinatawanan namin sya.. hehe

 

Tinuruan tuloy siya nina Rhoan Aguilar, Dianne Necio at Czarina Gatbonton sa pag autograph..

Ayan may mentors pa sya sa pag autograph haha

Ayan may mentors pa sya sa pag autograph haha. at supt pa ni Mutya ang ID ng events2images..

 

Ayan.. super graceful na sya mag autograph at ingat na ingat..

Ayan.. super graceful na sya mag autograph at ingat na ingat..

 

Ayan nag eenjoy na sya sa pag autograph!

Ayan nag eenjoy na sya sa pag autograph!

 

 

Isa pang nakakatuwa na nangyari that night was the meet up of Mutya and MJ Lastimosa. MJ loves Mutya and si Mutya ay malaki talaga ang paghanga kay MJ.. kaya super excited si Mutya na makita si MJ.. past 4am na ng dumating si MJ.. and very touching ang pagkikita nila.. super!

Mutya waiting for MJ..

Mutya waiting for MJ..

 

Ayan na.. paparating na si MJ...

Ayan na.. paparating na si MJ…

 

And eto na ang eksena.. super hug ang dalawa.. while Rhoan is watching them..

And eto na ang eksena.. super hug ang dalawa.. while Rhoan is watching them..

 

 

All smile pa rin kahit past 4am na..

All smile pa rin kahit past 4am na..

 

Sa mga taong nasa likod ng tagumpay ni Mutya na walang sawang tumutulong ng walang kapalit. Mabuhay kayo.. Sana mas marami pang Mutya ang   matulungan nyo. Kay Mutya, sana maging inspirasyon ka ng lahat na nagsasabing “mahirap lang kasi kami”..

Ang mga nagmamahal kay Mutya..

Ang mga nagmamahal kay Mutya..

Malapit na pala ang kanyang kaarawan.. MALIGAYANG KAARAWAN MUTYA.. Siguro ito na ang kaarawan mo na marami kang handa.. 🙂

 

and.. bago kami magpaalam.. kinunan ko si Mutya.. at ang pagsara nya ng pinto super poise pa rin.. kahit pag goodbye.. eto oh look habang sinasara nya ang gate…

Ang pagsara ng gate.. the Binibini ways..

Ang pagsara ng gate.. the Binibini ways..

Salamat sa pagbabasa at pagbisita.. 

Nagmamahal,

events2images

Advertisements